representative
National

Representative Fariñas, nais manatiling Majority Leader

Nais ni Ilocos Norte Representative Rodolfo Fariñas na manatili sa kanyang posisyon bilang House Majority Leader.

Sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez na nililigawan ni Fariñas si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ay para himukin ang pagpapanatili sa kanya sa posisyon.

Kabilang din umano sa mga ginagapang ni Fariñas ang ilang mga babaeng kongresista para lumagda sa isang manifesto para sa kanyang re-election.

Kamakailan ay umugong ang usap-usapan na lilipat na sina Fariñas at dating Speaker Pantaleon Alvarez sa bagong Minority Bloc sa Kamara.

Ngayong araw, July 30, maghahalal ang mayorya ng magiging majority leader sa ilalim ng pamumuno ni Arroyo.

Majority Bloc, dumistansya sa usapin ng magiging lider at miyembro ng Minorya

Dumistansiya ang Majority Bloc sa isyu kung sino ang mga magiging miyembro at lider ng Minorya sa Mababang Kapulungan.

Tiniyak ni Deputy Speaker Rolando Andaya na aakyat sa plenaryo ang isyu kung sino ang bubuo sa Minority Bloc.

Ayon kay Andaya, hindi maaaring mangialam ang mga miyembro ng Majority kung paano mareresolba ang gusot sa Minorya.

Naniniwala si Andaya na ang sigalot sa Minorya ay nakakaapekto na sa legislative work ng Minorya.

Maliban sa labindalawang miyembro ng Liberal Party, sumulat din kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo para ilahad ang kanilang pagnanais na maging Minorya sina dating Speaker Pantaleon Alvarez at Quezon Representative Danilo Suarez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *