ARMM
National

Tinatalakay na BBL sa kongreso, hindi ‘watered-down’ version ng ARMM

We can safely say now that the BBL is not less than ARMM. By now i think BBL is above ARMM. We can safely say it is no longer watered down – Ghazali Jaafar, Vice Chairman, MILF

Ito ang naging tugon ni Moro Islamic Leberation Front o MILF Vice President Ghazali Jaafar. Sa panayam ng SMNI News sa nagpapatuloy na pagtalakay ng Bicameral Conference Committee sa panukalang Bangsamoro Basic Law.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Bicam sa pagbabalik ng Republic Act 9054. Ang Organic Act for the Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Magugunitang una ng pinangangambahan ng Bangsamoro Transition Commission at ng Moro groups na magiging malabnaw ang ipapasang BBL.

Dagdag naman ni Jaafar, bagama’t may mga ilang probisyon mula sa bersyon ng kamara at senado na hindi sila sang-ayon ay maganda naman ang takbo ng pagsasapinal nito.

Patuloy pang tinatalakay sa Bicam ang mga disagreeing provisions sa BBL.

 Samantala, kaugnay ng isinusulong na Federal Constitution, nilinaw ni Jaafar na hindi nito maaapektuhan ng Boangsamoro Region sakaling maging ganap na itong batas.

“Bangsamoro Autonomy is enshrine in Federal Constitution and also we committed to the president that if the federal government system will push through and approved by the majority of the Filipino.

The Bangsamoro is ready to be a part of federal government but also in separate state at ang batas namin ay yung BBL.” ayon kay Jaafar

 Base sa kasalukuyang ARMM, sakop nito ang Basilan, maliban sa Isabela City, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi

Sa ilalim ng BBL, mas magiging malawak ang sakop nito na kinabibilangan ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi, Isabela City, Catobato City. 6 na municipalities sa Lanao del Norte at 39 barangay sa North Cotobato.

Admar Vilando

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *