National

120 LRVs, bibilhin ng pamahalaan para sa LRT- Cavite Extension

BIBILI ang Department of Transportation (DOTr) ng 120 light rail vehicles na gagamitin para sa South Extension Project ng Light Rail Transit Line-1.
Kasunod ito ng paglagda ng kasunduan nina DOTr Secretary Arthur Tugade at Mitsubishi Corporation Senior Vice President Tetsuji Nakagawa para sa pagbili ng naturang mga LRV’s.
Ang nasabing mga tren ay bibiyahe ng labing dalawang kilometro naekstensyon ng LRT-1 mula Baclaran hanggang Bacoor, Cavite.
Tiniyak din ni Tugade na energy efficient at mayroong low maintenance cost ang bawat LRV’s.
Nakatakdang simula ang konstruksyon ng LRT-1 extension sa susnod na taong 2018 at inaasahang matatapos sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
(Ulat mula sa DZAR 1026 Sonshine Radio)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *