Build, Build, Build,
National

Build, Build, Build, idinetalye ang konstruksyon ng New Clark City

Iprinisenta ng Build, Build, Build team ang nagpapatuloy na konstruksyon ng New Clark City.

Idinetalye ng  Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang naturang proyekto ng pamahalaan.

Ayon kay BCDA President and Chief Executive Officer (CEO) Vince Dizon.

Pinabibilis na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang konstruksyon ng New Clark City na binubuo ng mga pasilidad gaya ng:

  • aquatic center
  • government building
  • athletic stadium
  • government housing
  • athletes village

Dagdag pa ni Dizon, nagdesisyon ang Pangulong Duterte na ilipat sa New Clark City.

Ang ibang mga opisina ng gobyerno na nasa Maynila.

Sinabi naman ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Ernesto Pernia na ang bisyon ng pamahalaan na magkaroon ng centralized government center ay maging totohanan na.

Pinangunahan ng mga opisyal ng Build,  Build,  Build ang erection ng steel columns ng athletic stadium sa New Clark City sa Tarlac.

Ang naturang stadium ay gagamitin para sa nakatakdang paghost ng Pilipinas sa 2019 SEA Games.

Ang itatayong New Clark City sa Tarlac ay magbibigay solusyon sa pangangailangan sa Central Luzon at malaking tulong para maibsan ang congestion sa Metro Manila.

Ibinida rin ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang proyekto na mahigit isang daang pantalan at ang pag-upgrade sa riles at coaches ng MRT-3.

Iprinesenta ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang pinakahuling  detalye kaugnay ng “Build, Build, Build” infrastructure projects at hinimok ang publiko na bisitahin ang build.gov.ph para makahanap ng trabaho.

Kasunod ito ay nangako si Finance Secretary Carlos Dominguez na magkakaroon pa ng maraming “Build, Build, Build” briefings at construction sites ng proyektong pang-imprastraktura.

Target matapos ang siyam na libong kabuuang ektarya ng  New Clark City sa taong 2022.

Cresilyn Catarong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *