Bus Rapid Transit
Metro

Bus Rapid Transit System, nais ilipat sa MMDA

Iminungkahi ng house panel na ilipat sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng panukalang Bus Rapid Transit (BRT) system.

Ipinanukala ito ng House Committee on Metro Manila Development matapos kanselahin ng Department of Transportation (DOTr) ang proyekto na inaprubahan ng National Economic Development Authority (NEDA) noong 2015 at inaasahan sanang maging operational sa taong 2022.

Ayon kay Quezon City Representative at Committee Chairman Winston Castelo, pag-aralan nila ang posibilidad na ilipat sa MMDA ang pondong inilaan para sa proyekto, mula sa DOTr.

Ipinaliwanag naman ni Transportation Assistant Secretary Arturo Fabillar na kinansela nila ang BRT Project na isa sa mga posibleng solusyon sa problema sa trapiko sa Metro Manila dahil kailangan pa ito ng ibayong pag-aaral.

 

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *