Regional

11 NPA members sumuko sa militar sa Sultan Kudarat; mga armas kasamang isinuko


Labing-isang miyembro ng New People’s Army ang sumuko sa militar sa Barangay Midtungok, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.
    Kasamang isinuko ng mga rebeldeng NPA ang kanilang walong high powered firearms kabilang ang limang M-16 rifles, dalawang M-1 garand rifles at isang AK-47 rifle.
    Ayon kay 1Lt. John Austin Jamora, commanding officer ng Alpha Company, 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army, ang mga sumukong miyembro ng NPA ay mula sa Tribong Manobo at mga residente ng Midtungok.
    Nakilala ang mga rebelde na sina Ayob Mopac, Benjamin Kalay, Samuel Badak, Mel Pandi, Kang Mopac, Tiin Mooac, Usad Mopac, Long Oding, Sebio Masandag, Gabriel Mopac at Nonot Lapi.
    Pahayag naman ni Col. Bismark Soliba, commander ng 1st Mechanized Infantry Brigade na nawawalan na ng mga miyembro ang NPA sa lugar dahil sa demoralization sa kanilang hanay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *