International

Maya Bay Resort sa Thailand, isinara sa turista

Tila sumunod sa Boracay ang isa sa mga sikat na beach resorts sa mundo na matatagpuan sa Thailand.

Ito ay dahil isasara sa loob ng 4 buwan, simula ngayong araw, ang “Maya Bay” sa mga turista upang bigyang daan ang rehabilitation program ng Department of National Parks, Wildlife and Plan Conservation ng Thailand.

Ang Maya Bay, na sumikat ng husto matapos ma-feature sa hollywood film na ‘The Beach’ na pinagbidahan ni Leonardo Dicaprio, ay bahagi ng Phi Phi Island National Park.

Sa isang statement na inilabas ng Tourism Authority of Thailand, hindi muna papayagan na dumaong ang anumang mga sasakyang pandagat o papapasukin ang mga turista sa Phi Phi Island kung saan nandoon ang resort upang mabigyan ng daan ang pagsaasayos dito ng gobyerno.

During the four-month period, the DNP will undertake a coastal and marine environment quality evaluation study on the condition of reef and beach resources, environmental control and tourism management.” – Tourism Authority of Thailand

Layon nito na mapanumbalik ang sigla at ganda ng isla na nasisira na sa mga nakalipas na taon.

“This is to properly determine measures for environmental sustainability of Maya Bay during future off-tourist seasons.” – Tourism Authority of Thailand.

Ang pagsasara sa Maya Bay ay magtatapos sa darating na September 30.

Una nang isinara noong nakaraang buwan ang Isla ng Boracay, na magtatagal ng 6 na buwan, dahil na rin sa pagkasira ng isla mula sa mga namumuhunan at mga bumibisitang turista dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *