pagpasa
National

Conflict sa Mindanao, matatapos na dahil sa pagpasa ng BBL – Esperon

Malaki ang paniniwala ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon sa nakatakdang pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ito’y ayon sa pangako ng liderato ng senado na pipilitin nitong ipasa ang panukalang batas sa third and final reading bago magtapos ang sesyon sa senado.

Ayon sa panayam kay Secretary Esperon, tiyak ang malakas na pag-angat hindi lang ng ekonomiya ng bansa dahil sa likas na yaman ng mindanao kundi ang nakikitang kaayusan sa buong rehiyon at sa bansa.

Sa katunayan aniya, posibleng madagdagang ng isang porsyento ang GDP growth ng bansa dahil sa mahalagang papel ng rehiyon sa ekonomiya ng bansa.

Dagdag pa ng kalihim, walang nakikitang masama ang pamahalaan sa pagbibigay ng awtonomiya sa Mindanao kundi magiging tulong pa aniya ito para matigil na ang kaguluhan sa rehiyon.

Halos dekada na ang inaabot ng problema sa seguridad sa Mindanao dahil sa kawalan ng maayos na negosasyon.

Sa huli, ayaw pangunahan ni Esperon ang kongreso sa kagustuhan nitong ipasa ang panukala ngunit naniniwala ito na walang desisyon ang gobyerno na hindi interes ng taumbayan ang makikinabang dito.

 

Pol Montibon

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *