Malaysian authorities
International

1 toneladang shabu, nasamsam ng Malaysian authorities

Nasa humigit kumulang $18-M o halos P1-B na halaga ng shabu ang nakumpiska ng Malaysian authorities sa isang shipment mula Myanmar.

Ang naturang nasamsam na halos 1.2 toneladang shabu ang pinakamalaking nakumpiska na shabu ng Malaysia sa kasaysayan.

Ayon sa Malaysian Customs, ang naturang shipment mula Yangon, Myanmar ay idineklarang mga tsaa at dadalhin sana sa isang Malaysian trading company sa Kuala Lumpur.

6 naman na pinagdududahang trafficker ang inaresto ng otoridad.

3 Myanmar nationals at 3 Malaysians naman na pinagdududahang trafficker ang inaresto ng otoridad.

Maliban sa mga shabu may nakumpiska rin ang otoridad na heroin at mga kontrabandong sigarilyo.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *