National

Kamara, hinimok na imbestigahan ang militarisasyon sa WPS

Ulat Ni: MJ Mondejar

Rep. Ruffy Biazon, Muntinlupa City

“’Yun na lang ang inaasahan natin na yung liderato ay bigyang pansin yung resolusyon.”

Ito ang panawagan ni Muntinlupa Representative Ruffy Biazon sa liderato ng mababang kapulungan ng kongreso hingil sa ginagawang militarisasyon ng China sa mga teritoryong sakop ng exclusive economic zone ng bansa sa West Philippine Sea.

Sa panayam ng SMNI News Channel, iginiit ni Biazon, na siya ring vice chairman ng Committee on National Defense and Security ang kahalagahan na maimbestigahan in aid of legislation ang unti-unting pananakop ng China ating teritoryo.

Rep. Ruffy Biazon, Muntinlupa City

“Hanggang sa susunod na salinglahi ito, pagka Nawala sa ating control yung exclusive economic zone natin, ang lugi ditto yung mga susunod pang henerasyon. So ang desisyon natin ay hindi dapat para yung sa ngayon lamang, kundi para sa kinabukasan.” 

Nanawagan ang mambabatas sa liderato ng Kamara na aksyunan agad ang House Resolutions 1855 at 1856 na kanyang inihain na mag-aatas sa National Security Council na mag-convene upang pag-usapan ang susunod na hakbang sa isyu at ang pag-aatas sa Committee on National Defense and Security na imbestigahan ang ginagawa ng China.

Base sa huling report na natanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA), nakapag-deploy na ang China ng H-6K bomber aircraft sa Spratly Islands.

Ang nabanggit na mga eroplano ay may kakayanan na mag-deploy ng precision-guided ammunitions sa dagat at lupa.

Nauna naman iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na iaakyat nito ang protesta sa China sa tamang panahon.

Sa huli, umaasa naman si Biazon na aaksyunan ng liderato ng kamara ang kanyang panawagan sa pagbabalik sesyon ng kongreso matapos ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo sa Hulyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *