pasaway na pulis
National

100 pasaway na pulis, sinermonan ni Pangulong Duterte

Nakatikim ng maanghang na salita at minura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isandaang mga pasaway na pulis na iniharap sa kanya sa Malakanyang.

Sinabi ni Pangulong Duterte na rerebyuhin niya ang kaso ng nasabing mga pulis lalo na ang mga sangkot sa sindikato.

Pasaway na Pulis, binantaang papatayin

Binalaan ni Pangulong Duterte ang mga pulis na hindi siya mangingiming patayin ito na patuloy na nagpapahiya sa institusyon.

Inirekomenda rin ni Duterte na huwag nang pagpiyansahin ang mga nagkakasalang pulis at magtiis na lamang sa kulungan.

Inihayag ng pangulo na hindi siya natatakot na gawin ito at wala umano siyang pakialam sa human rights.

Ilan sa mga kasong kinakaharap ng mga pulis ay kidnapping, rape, robbery, extortion, illegal drugs at grave misconduct.

Nabatid na ang mga nasabing pulis ay galing sa Region 3, Region 4-A at pinakamarami ay mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *