sinuspinde ng FIBA
Sports

10 players at 2 coach ng Gilas, sinuspinde ng FIBA

Sinuspinde ng FIBA ang sampung player at dalawang coach ng Gilas Pilipinas.

Kasunod ito ng naganap na rambol sa pagitan ng koponan ng Australia sa nagpapatuloy na FIBA World Cup Asian Qualifiers noong July 2.

Kabilang sa mga pinatawan ng suspensyon si Calvin Abueva, na may six games ban.

Roger Pogoy, Carl Cruz, at Jio Jalalon na may five-game ban.

Terence Romeo, Jayson Castro William, Andray Blatche at Jeth Troy Rosario na may three-game suspension.

Habang sina Japeth Aguilar at Matthew Wright ay may one game ban.

Maliban sa sampung manlalaro, pinatawan rin ng suspensyon si Assistant Coach Joseph Uichico na may three games ban.

Habang si Coach Chot Reyes ay may one game at multang higit limandaang libong piso (P500, 000) dahil sa  unsportsmanlike behavior.

Kaugnay nito, pinatawan rin ng FIBA ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng higit 13 milyong piso (P13-M) dahil sa unsportsmanlike behavior ng delegation members at insufficient organization of the game.

Magugunitang nauwi sa suntukan ang laro ng Gilas at Australia dahil sa matinding pisikalan.

Wagi naman sa naturang laro ang Australia via default sa iskor na 89-53.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *