fuel tanker
International

10 Pinoy, apektado ng sumabog na fuel tanker sa Italy,

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Milan na tatlong pamilyang Pilipino sa Borgo Panilage ang apektado ng pagsabog ng fuel tanker sa Bologna, Italy.

Sa ulat na natanggap ng DFA nagtamo ng matinding pinsala ang apartment na tinutuluyan ng apektadong pamilyang Pinoy.

Wala namang naiulat na nasugatan sa mga pamilyang naapektuhan ng pagsabog.

Sa kabuuan, umaabot na sa sampu ang bilang ng mga Pinoy na naapektuhan ng naturang pagsabog.

May mga tauhang ipinadala ang konsulada na tutulong sa mga apektadong pamilya.

Matatandaan na sumabog ang fuel tanker matapos bumangga sa isa pang sasakyan kung saan dalawa ang nasawi at mahigit sa animnapu ang nasugatan.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *