kritikal
Regional

1 patay, 1 kritikal, matapos makuryente sa Tarlac

ISA ang patay habang isa ang kritikal matapos makuryente sa natumbang poste ng kuryente sa Bamban, San Clemente, Tarlac.

Nangyari ang insidente 5:00 ng madaling araw sa kasagsagan ng malakas na hangin bunsod ng Bagyong Rosita.

Ayon ito kay Engineer Genesis Santiago ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Sinabi ni Santiago na isang motorcycle rider ang pilit na dumaan sa natumbang poste pero nakuryente ito.

Tutulungan sana ng nasawing biktima ang rider pero nakuryente rin ito.

Patuloy na ginagamot sa ospital ang rider na lubhang nasugatan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *